Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, inihain sa Kamara

By Jimmy Tamayo, Rohanisa Abbas March 16, 2017 - 11:44 AM

impeachment complaint laban kay duterte
Kuha ni Jomar Piquero

Nagsampa na ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrgo Duterte si Magdalo Party-list Gary Alejano. Inihain ng mambabatas ang kaso sa Office of the Secretary General ng Kongreso.

Ani Alejano, ang pangunahing batayan sa pagsasampa nito ay ang laganap na patayan sa gitna ng gyera ng pamahalaan kontra droga na labag sa aniya sa due process.

Ilan pa sa mga batayan ng impeachment kay Duterte ay ang paglabag sa Saligang Batas, panunuhol, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang krimen.

Kabilang dito ang bank accounts at bank transactions ng Pangulo na nagkakahalagang 2.2 bilyong piso na hindi nakasaad sa Statement of Accounts, Liabilities and Net Worth ni Duterte.

Maging ang mga isyu na idinadawit ang pangulo noong alkalde pa siya ng Davao City ay hindi pinalmpas sa impeachment complaint.

Ayon kay Alejano, isinaad din dito ang 11,000 ghost employees umano sa ilalim ng pamamahala ni Duterte sa naturang lungsod. Pinapanagot din si Duterte sa mahigit 1,000 kataong napatay umano ng Davao Death Squad kung saan idinadawit siya.

Sinabi ni Alejano na layunin ng impeachment complaint na bigyang boses ang sambayanan laban sa umano’y mga pang-aabuso ng Pangulo.

Iginiit naman ng Magdalo Representative wala silang anumang hakbang na lalabag sa batas at maging sa ibang insititusyon.

TAGS: gary alejano, Impeachment complaint, Impeachment complaint VS Duterte, Kamara, Pangulong Duterte, gary alejano, Impeachment complaint, Impeachment complaint VS Duterte, Kamara, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.