Armored van bumangga sa isang fire hydrant sa QC, tubig bumulwak

By Jong Manlapaz March 16, 2017 - 09:59 AM

Armored vehicle bumangga sa fire hydrant sa sct tobias qc, tubig tumagas 1Sumalpok ang isang armored van sa poste ng Meralco at nadamay pa ang fire hydrant at pader ng isang bahay sa Hemady Street Brgy. Kristong Hari, QC, Miyerkules, March 15 ng gabi.

Sa kabila ng pakiusap ng mga tauhan ng QC Police District na bumaba at makipag-usap sa mga otoridad at may-ari ng bahay hindi bumaba ang driver armored van na nakilala sa pangalang Esidro Belsa ng Armortech International Transporter Corporation.

Nakilala si Belsa sa pamamagitan ng iniabot nitong photocopy ng kanyang drivers license at ID.

Hindi rin bumaba ang dalawang kasamahan nito sakabila na tagaktak na sa pawis matapos na hindi na umaandar ang makina ng bumanggang armored van.

Halos magkasunod naman dumating sa lugar ang mga tauhan ng Meralco at Maynilad para ayusin ang bumubulwak na tubig ng fire hydrant at natumbang poste ng Meralco.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Pasay City Retired Prosecutor Jesus Tiu, sasampahan niya ng kaso ang driver at kumpanya nito kapag hindi inayus ang nawasak na pader.

WATCH:

TAGS: Armored Van, Armortech International Transporter Corporation, Esidro Belsa, fire hydrant, maynilad, Meralco, QC Police District, Retired Prosecutor Jesus Tiu, Armored Van, Armortech International Transporter Corporation, Esidro Belsa, fire hydrant, maynilad, Meralco, QC Police District, Retired Prosecutor Jesus Tiu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.