NBI, balik muli sa anti-illegal drug operations

 

Matapos pagbawalan, pinababalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon laban sa iligal na droga ang National Bureau of Investigation.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang napag-desisyunan ng pangulo matapos ang Cabinet Security Cluster meeting sa Malakanyang.

Ayon kay Abella, dapat tumulong muli ang NBI sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Matatandaang pinagbawalan muna ng pangulo na magsagawa ng operasyon sa iligal na droga ang NBI matapos masangkot ang ilang ahente nito sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.

Bukod sa NBI, pinatutulong na rin ng pangulo sa operasyon ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Nais ni Pangulong Duterte na gamitin ang lahat ng manpower ng mga otoridad dahil matindi ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Read more...