De Lima, nais makalabas ng kulungan ngayong Semana Santa
Nagsisilbing hadlang ngayon ang mga rehas para magampanan ni Sen. Leila de Lima ang kanyang taunang panata tuwing Semana Santa.
Sa sulat ni De Lima mula sa kanyang kulungan, sinabi nito na tuwing Biyernes Santo ay sumasama siya sa prusisyon sa kanilang parokya, Our Lady of Fatima, sa lungsod ng Iriga.
Kaya’t hiniling nito sa publiko na ipagdasal na siya ay makalabas na ng PNP Custodial Center bago mag Semana Santa.
Kasabay nito, ang pasasalamat niya sa mga kaibigan at tagasuporta na nagpapadala sa kanya ng mga babasahin, kung saan aniya ay nakakahugot siya ng lakas dahil sa kanyang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.