CGMA at iba pang kongresista tinanggalan ng puwesto sa Kamara
Idineklara ng liderato ng Kamara na bakante ang puwesto ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang House deputy speaker for Central Luzon.
Kasama sa idineklarang bakante ang chairmanship ng House committees on Civil Service and Professional Regulation na hawak ni Batangas Rep. Vilma Santos; Government Reorganization na hawak ni Batanes Rep. Henedina Abad; Muslim Affairs na hawak ni Anak Mindanao Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman at Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Carlos Isagani Zarate.
Bakante na rin ang Committee on Overseas Workers’ Affairs ni Mariano Michael Velarde Jr.; on People’s Participation ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao; on Poverty Alleviation ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus; on Public Information ni ACT Rep. Antonio Tinio; on Women and Gender Equality ni DIWA Rep. Emmeline Aglipay-Villar at on Special Committee on Land Use ni Quezon Rep. Kit Belmonte.
Si House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang nag-move para ideklarang bakante ang nasabing mga posisyon.
Bago matapos ang sesyon kanina para sa kanilang Holy Week break ay inanunsyo na ang pagiging chairman ni Cebu Rep. Ramon ‘Red’ Durano ng House committee on Basic Education and Culture kung saan ay pinalitan niya si Pinalitan niya si Sorsogon Rep. Evelina Escudero.
Kaagad naman na naglabas ng kanyang pahayag ang dating pangulo.
“I thank the President for his expression of understanding late last year regarding my position on the issue. I also thank the Speaker for the honor of having served as Deputy Speaker of the House of Representatives. It meant much to me. As a plain Congresswoman I will continue to do all I can to support both President Duterte and Speaker Alvarez,” ani Arroyo.
Nauna nang sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na kanilang tatanggalan ng posisyon sa Kamara ang mag kaalyadong hindi boboto pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Sa muling pagbubukas ng sesyon sa buwan ng Mayo iaanunsyon ang mga magiging bagong pinuno ng ilang komite sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.