Inaprubahan na ng makapangyarihang Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Education Sec. Leonor Briones.
Inendorso sa plenaryo ni Sen Bam Aquino na siyang Chairman ng Committee on Education ang kumpirmasyon ni Briones at nagbigay din kani-kanilang pag-endorso sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito.
Bago ito dumipensa pa si Briones sa mga pagdududa sa kondisyon ng kanyang kalusugan at kakayahan na gampanan ang kanyang tungkulin.
Umamin naman ang kalihim na gumagamit na siya ng wheelchair ngunit iginiit na ang kondisyon ng kanyang mga tuhod ay walang kaugnayan sa kondisyon ng kanyang pag-iisip.
Binanggit pa nito ang naging sitwasyon ng bayaning si Apolinario Mabini, ang dakilang paralitiko na naitalagang secretary of Foreign Affairs sa kabila nang pagkakatali na nito sa wheelchair.
Ipinagmalaki din ni Briones ang pagbisita niya sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagtupad sa kanyang tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.