Kaugnay ito sa pag-apruba umano nito sa iligal na pagbili ng P18.9 Million na halaga ng “ghost” communication equipment mula sa Philflex Trading and General Merchandise noong taong 2007.
Ayon sa anti-graft body, napatunayan nilang guilty si Luna sa kasong Grave Misconduct at Serious Dishonesty na may katumbas na kaparusahan na dismissal sa serbisyo at mga accessory penalties na kanselasyon ng eligibility, pagtatanggal sa retirement benefits nito at panghabambuhay na disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.
Base sa mga record, bumili noong 2007 sa pamamagitan ng direct contracting ang respondent ng 36 sets ng SENAO SN 6108 long range radio/telephone.
Base sa mga dokumento walang public bidding na naganap para sa proyekto na pinondohan ng 2007 pork barrel fund ni dating Congressman Peter Paul Jed Falcon.
Lumalabas na si Luna ang nag-apruba sa ibinayad sa Philflex kahit na walang delivery ng mga kagamitan at wala itong kaukulang dokumento dahilan para maglabas ang Ombudsman ng dalawang Notices of Disallowance noong 2011.
Samantala ang kaso laban sa dati nitong Municipal Agriculturist na si Teofilo Maymay ay ipinag utos ng Ombudsman na ibasura dahil wala na ito sa serbisyo nang isampa ang kaso noong January 27, 2016.