Mayor sa Surigao Del Sur sibak dahil sa katiwalian

By Alvin Barcelona March 15, 2017 - 04:27 PM

Ombudsman11Ipinag-utos na ng Ombudsman ang pagsibak sa tungkulin kay Lingig, Surigao del Sur Mayor Roberto Luna Jr.

Kaugnay ito sa pag-apruba umano nito sa iligal na pagbili ng P18.9 Million na halaga ng “ghost” communication equipment mula sa Philflex Trading and General Merchandise noong taong 2007.

Ayon sa anti-graft body, napatunayan nilang guilty si Luna sa kasong Grave Misconduct at Serious Dishonesty na may katumbas na kaparusahan na dismissal sa serbisyo at mga accessory penalties na kanselasyon ng eligibility, pagtatanggal sa retirement benefits nito at panghabambuhay na disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.

Base sa mga record, bumili noong 2007 sa pamamagitan ng direct contracting ang respondent ng 36 sets ng SENAO SN 6108 long range radio/telephone.

Base sa mga dokumento walang public bidding na naganap para sa proyekto na pinondohan ng 2007 pork barrel fund ni dating Congressman Peter Paul Jed Falcon.

Lumalabas na si Luna ang nag-apruba sa ibinayad sa Philflex kahit na walang delivery ng mga kagamitan at wala itong kaukulang dokumento dahilan para maglabas ang Ombudsman ng dalawang Notices of Disallowance noong 2011.

Samantala ang kaso laban sa dati nitong Municipal Agriculturist na si Teofilo Maymay ay ipinag utos ng Ombudsman na ibasura dahil wala na ito sa serbisyo nang isampa ang kaso noong January 27, 2016.

TAGS: ombudsman, pork, roberto luna, surigao del sur, ombudsman, pork, roberto luna, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.