Pahayag ni Robredo sa Oplan Tokhang kinontra ng PNP

By Ruel Perez March 15, 2017 - 04:08 PM

pnpGustong malaman ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung saan nakuha ni Vice President Leni Robredo ang umanoy sistema ng ‘palit-ulo’ sa isinasagawang Oplan Tokhang ng pambang pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman S/Supt Dionardo Carlos, unang-una hindi ay pa pinal kung summary killings nga ang nangyayari dahil lahat ng mga insidente ay iniimbestigahan pa bilang pagpatay kung saan karamihan ay di naman kunektado sa Oplan Tokhang ng PNP

Sa umano’y video message ni Robredo ay sinasabi nito na pinipwersa na magturo ang isang drug suspect ng iba pang sangkot sa droga kapalit ng kanyang kalayaan

Apela pa ni Carlos, huwag sanang gamitin ang datos na inilalabas nila sa publiko hinggil sa Oplan Tokhang ng PNP sa maling paraan lalo at mali naman umano na i-generalize ang nasa pitong libong kaso sa o extra judicial killings.

Bukod kay Robredo nauna nang sinabi ng ilang miyembro ng Liberal Party na babantayan nila ang pagpapatupad ng PNP ng kampanya kontra sa iligal na droga.

TAGS: Carlos, Oplan Tokhang, Robredo, Carlos, Oplan Tokhang, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.