Trillanes kakasuhan ng Malacañang dahil sa destabilization plot

By Chona Yu March 15, 2017 - 03:30 PM

trillanes-1-620x408Ikinakasa na ng Department of Justice at Office of the Solicitor General ang paghahain ng kaso laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay dahil sa patuloy na paninira ni Trillanes sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kasong inciting to sedition ang maaring isampa kay Trillanes dahil sa destabilization plan nito para mapatalsik ang pangulo.

Giit ni Panelo, maaari talagang makasuhan ang senador dahil malinaw aniya na ginugulo lang nila ang administrasyon at imbes na tumulong at naghahasik lang sila ng lagim at takot.

Bukod pa rito, hindi magiging mahirap kung sakaling kakasuhan si Trillanes dahil ang mga public statements nito ay sapat na para gawing ebidensya laban sa kaniyang planong destabilisasyon.

TAGS: duterte destabilization plot, panelo, trillanes, duterte destabilization plot, panelo, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.