Duterte hindi natinag sa pagdami ng Abu Sayyaf members

By Chona Yu March 15, 2017 - 03:17 PM

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirer
Inquirer file photo

Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag- doble ng bilang ng mga bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa pangulo, naiintindihan niya ang biglang paglobo ng bilang dahil sa may nagaganap na rebelyon sa dulong bahagi ng bansa.

Una dito ay inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenza na nahihiya at hindi siya makatulog dahil sa patuloy na pamamayagpag ng ASG.

Nabatid na bago naupo sa puwesto si Duterte noong Hunyo 30 ay nasa labing-walo lamang ang bihag ng bandidong grupo.

Pero sa ngayon na doble na ito at nasa tatlumpu’t isa na.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamit ang pamahalaan ang mga satellite guided missile sa pagdurog sa kampo ng Abu Sayyaf Group.

TAGS: Abu Sayyaf, duterte, Mindanao, missile, Abu Sayyaf, duterte, Mindanao, missile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.