Papel ni De Lima sa mga sindikato ng droga idinetalye ni Duterte sa mga senador

Duterte Dinner
Photo: Sen. JV Ejercito

Idinetalye ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga Senador ang isang international intelligence report na nag-uugnay kay Sen. Leila De Lima sa illegal drug trade.

Ang nasabing ulat umano ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinursige ng pamahalaan ang kaso laban sa mambabatas.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito na kabilang lamang ito sa mga napag-usapan sa kanilang pagdalo sa dinner kagabi kasama ang pangulo.

Bukod kay Ejercito ay present rin sa nasabing hapunan sina Senate President Koko Pimentel, Senators Alan Cayetano, Cynthioa Villar, Grace Poe, Sonny Angara, Ralph Recto, Nancy Binay, Richard Gordon, Migz Zubiri, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Loren Legarda at Majority Leader Tito Sotto.

Hindi naman dumalo sa pagtitipon sina Sen. Ping Lacson, Gringo Honasan, Chiz Escudero, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes at Liberal Party President Kiko Pangilinan.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na walang ibinigay na kautusan sa kanila ang pangulo kundi umikot lamang sa kumustahan at kwentuhan ang nasabing dinner.

Sinabi pa ni Pimentel na gagawin nilang regular ang nasabing pulong kasama ang pangulo.

Read more...