Limang pulis maynila ang sinibak sa puwesto dahil sa reklamong pangongotong ng mga vendors.
Ayon kay Manila Police District Director C/Supt. Joel Coronel, matapos lumapit sa kanya ng mga vendors at ibinigay ang mga larawan ng mga pulis na nangongotong kaagad niyang inalis sa puwesto ang mga ito.
Binigyan din nito ng 24-oras ang mga pulis na may ranggong PO1, PO3 at SPO3 upang magreport sa kanya.
Pawang nakatalaga sa MPD stn 5 ang mga hindi pa pinangalang mga pulis.
Sinabi ni Coronel na ang pagsibak sa puwesto sa mga ito ay upang bigyang daan ang kanilang isasagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.