Opisyal ng San Juan City, pinasusupinde ng Sandiganbayan
Pinasususpinde ng Sandiganbayan ang pinuno ng San Juan City Environment and Natural Resources Office (CENRO) dahil sa umano’y anomalya.
Naghain ng 90 araw na suspensyon ang korte laban kay Dante Santiago habang nakabinbin pa ang paglilitis sa kanya para sa kasong technical malversation.
Kinatigan naman ng Ombudsman ang kahilingang ito ng korte.
Nahaharap si Santiago sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Technical Malversation dahil pagbili ng 2.1 milyong pisong halaga ng armas gamit ang calamity fund ng San Juan City bagaman wala naman sa state of calamity ang lungsod.
Si Santiago ay kapwa akusado ni Senator JV Ejercito nang mayor pa ng lungsod ang mambabatas.
Inabswelto na ng Sandiganbayan si Ejercito noong Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.