NTC, aalamin ang actual internet speed ng mga service providers

Aug 19  net speed inqIinspeksyunin at bubusisiin ng National Telecommunications Commission o NTC simula sa susunod na buwan, ang aktwal na internet speed na ibinibigay ng mga service providers base sa kanilang inilalabas sa advertisements at commercials.

Ito ay base sa bagong mandatong memorandum circular na inilabas ng komisyon.

Sa isang senate hearing, sinabi ni NTC Director Edgardo Cabarios na ayon sa circular na inilabas nila noong Sabado, aalamin na kung nagtutugma ang mga inilalabas na internet speed ng mga kumpanya, at ang resultang lalabas base sa test na isasagawa ng kanilang grupo.

Aniya, kada buwan dapat ilabas ng mga kumpanya ang kanilang internet speed, kasabay naman isasagawa ang measurement dalawang beses kada linggo.

“We will start here in Metro Manila. We will have a pilot test by second week of September. Sa October yung start ng official test,” ang wika ni Cabarios sa Senate committee on trade, commerce, and entrepreneurship.

Hindi sasabihin kung saan isasagawa ang inspeksyon sa panahon ng regular testing.

Ayon pa sa NTC, mayroon silang 15 regional offices kaya may kakayahan silang magsagawa ng inspeksyon sa buong bansa.

Iginiit naman ni Committee Chairman Sen. Bam Aquino na dinisenyo ang NTC para dito, kaya may sapat na kakayahan at may kagamitan sila upang isagawa ang prosesong ito.

Umaasa naman si Cabarios na makakakuha sila ng karagdagang tatlong kagamitan para dito, sa oras na maaprubahan nan g kongreso ang budget nila para rito, sa pangunguna ng bagong aoppinted vice-chairman ng Senate Finance Committee na si Sen. Bam Aquino.

Sinabi din sa pagdinig, ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na inaayos na nila ang draft ng memorandum circular para sa mobile broadband.

Ayon sa NTC MC 07-18-15, may minimum na speed na hindi bababa sa 256 kbps ang mga internet service providers, at sinumang sumuay dito ay hindi dapat ikonsiderang “broadband” providers.

Dapat ring magbigay ng higit sa 256 kbps na bilis ng internet sa kahit 24 araw sa isang buwan ang mga broadband providers, at kung hindi ay parusa ang ipapatupad sa kumpanya. /Stanley Gajete

Read more...