Ito ayon kay Coast Guard Spokesperson Cdr Armand Balilo at matapos aprubahan ng International Maritime Organization Sub-Committee on Navigation, Communications, and Search and Rescue ang panukala ng Pilipinas na ipagbawal ang pagpasok sa lugar.
Dahil sa pagdedeklara bilang Area to be Avoided ang Tubbataha sinabi ni Balilo na mapoprotektahan nito ang marine envjronment doon.
Kaugnay nito, gagabayan naman ang mga kapitan ng barko upang masawata ang kanilang pagpasok sa ipinagbabawal na bahagi ng karagatan.
Sa pamamagitan nito maiiwan o kaya naman ay maiiwan ng pagsadsad ng mga barko sa mga bahura sa Tubbataha Reef.
Ang Tubbataha Reefs Natural Park ay idineklara bilang Unesco World Heritage Site.
Magugunitang sumadsad sa lugar ang USS Guardian noong January 2013 at matapos itong maialis ay sumadsad din ang FB Minlong Yu noong April 2013 dahilan upang masira ang mga bahura doon.