Batay sa data na isinumite ng mga Police Regional Offices, 679 ang isinagawang operasyon laban sa droga mula March 6 hanggang March 15.
Labinganim na drug suspects ang napatay sa anti-illegal drug operations sa Region 3.
Lima naman ang napatay sa Region 7 habang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay dalawang drug suspects ang napatay.
Tig-isa naman ang fatality sa National Capital Region, Regions 1, 4-A at 9 habang sa ibang rehiyon ay walang napatay.
Sa mahigit isang libong naaresto, karamihan ay mula sa Region 7 kung saan 221 ang nahuli.
Mahigit 23,000 na mga bahay ang binisita sa ilalim ng project tokhang at karamihan sa mga ito ay mula sa Region 2 at Region 5.
Nagresulta ito sa pagsuko ng 1,539 drug suspects kung saan 1,493 ang users at 46 ang pushers.