Eviction Notice, isisilbi ng NHA sa Lunes sa mga miyembro ng Kadamay sa Pandi,Bulacan

By Ricky Brozas, Rohanisa Abbas March 15, 2017 - 11:17 AM

 

KadamaySimula sa Lunes ay isisilbi na ng National Housing Authority o NHA ang eviction notice sa mga miyembro ng urban poor group na Kadamay na umukupa sa mga housing units sa Pandi,Bulacan.

Ayon sa NHA, pitong araw matapos nila isilbi ang eviction notice at hindi pa rin umaalis ang mga illegal occupant ay puwersahan na silang bibitbitin palabas ng pabahay.

Una nang iginiit ni Carlito Badion na hindi sila aalis sa lugar dahil karapatan umano nila na mapagkalooban ng pabahay bilang tax payer salig sa programang pabahay sa ilalim ng 70 billion pesos informal settlers fund.

Pinanghahawakan din umano nila ang campaign promise ni Pangulong Duterte na pabahay sa mga maralitang tagalungsod.

Una na ring inamin ng mga imukupa sa Lugar na hinimok lamang sila na magpamiyembro ng kadamay kapalit ng pabahay.

Sa panayam naman ng Radyo Inquirer, iginiit ni kadamay national chairman gloria arellano na mananatili ang informal settlers sa mga inokupahang pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan sa kabila ng babala ng NHA na isilbi nito sa lunes ang eviction notice laban sa mga ito.

Sinabi Arellano na ang mga pamilyang umokupa sa lugar ay pawang maralita na nawalan ng matitirahan sa mga isinagawang demolition sa Metro Manila.

Aniya, wala nang pambayad sa renta ng bahay ang mga ito kaya sila pumunta sa lugar. dagdag niya, nananatiling nagbibingihan ang gobyerno sa mga hinaing ng informal settlers na wala na aniyang masilungan.

Ayon naman kay arellano, bibigyan ng tulong ng nha ang kwalipikadong informal settlers.

Samantala, pinabulaanan naman ng Communist Party of the Philippines na binibigyan nila ng seguridad ang informal settlers sa Pandi sa gitna ng mga ulat na sinusuportahan umano ng New People’s Army ang mga ito.

Gayunman, nananiniwala ang CPP na lehitimo lamang ang hakbang na ito ng informal settlers.

Sa ngayon, mahigit limanlibong unit ng pabahay sa Pandi, Bulacan ang okupado ng informal settlers.

TAGS: Bulacan, Carlito Badion, Kadamay, NHA, Pandi, Pangulong Duterte, Bulacan, Carlito Badion, Kadamay, NHA, Pandi, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.