Mga manggagawang magkakasakit dahil sa iligal na droga, walang matatanggap na benepisyo- DOLE
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sakop ng mga benepisyo ng manggagawa ang makatanggap ng kompensasyon sakaling magtamo ito ng injury o magkasakit dahil sa iligal na droga.
Sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon ng DOLE, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sakaling mapatunayan na ang sakit o injury ng isang kawani ay natamo nito dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag inom ng alak, ay hindi sila maaaring makatanggap ng kabayaran.
Ito ayon kay Bello, ay alinsunod sa adbokasiya ni Pangulong Duterte kontra iligal na droga.
Sinabi ng kalihim, kasabay ng paghihigpit nila sa pagpapatupad ng Occupational Safety and Health Standards, mahigpit rin nilang ipagbabawal sa mga manggagawa ang pag gamit ng iligal na droga, upang manatiling produktibo ang mga manggagawang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.