Nur Misuari, nangakong hindi muna makikipag-giyera sa pamahalaan
By Chona Yu March 15, 2017 - 09:58 AM
Personal na ginarantiya ni MNLF Chairman Nur Misuari sa Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muna makikipag-giyera ang kanilang hanay sa pamahalaan.
Ito ay hanggat umuusad ang proseso sa usaping pangkapayapaan.
Ayon sa pangulo, gagawin ni Misuari ang kanyang pangako hanggat walang nakikitang sapat na basehan ang kanilang hanay na mag armas muli.
Ipinagmalaki pa ng pangulo na sa ngayon ay nasa final stage na ang bangsamoro transition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.