Pinasinayaan ngayong araw Miyerkules March 15 ng mga matataas na mga opisyal ng QCPD,DILG,DDB at maging ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga Barangay officials ang Special Drug Education Center o SDEC sa SB Plaza,IBP Road Brgy. Batasan Hills QC.
Dumalo sina Vice Mayor Joy Belmonte, QCPD District Director Chief Supt.Guillermo Eleazar,DILG Director Juan Injenero, Dangerous Drugs Board Chairman Benjamin Reyes.
Layon ng naturang launching ay upang magkaroon ng Out of School Youth Center na tututok sa mga kabataang hindi nakapag-aral at nalululong na sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte malaking tulong ang naturang Youth Center upang gabayan ang mga kabataang naliligaw ng landas at nalululong sa iligal na droga.
Naniniwala si Belmonte na mabibigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan na magbagong buhay at ituwid ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng naturang Youth Center na huhubog magandang kinabukasan ng mga kabataang napapariwara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.