4 arestado matapos maaktuhang gumagamit ng droga sa Caloocan

HULI SA AKTO USING DRUGS (1)Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhang gumagamit ng bawal sa raid ng NPD Drug Enforcement Unit sa Brgy. 12 Caloocan City.

Kabilang sa naaresto ang sinasabing tulak na si Gilbert Tandog alyas Nic-Nic, 35 anyos, arestado rin ang isang ginang na si Irish Enguio, 33 anyos na naaktuhang bumabatak habang bitbit ang 2 linggong sanggol nito.

Hinuli rin ng otoridad sina Melvin Enguio, 34 anyos at Rowena Chu, 26 anyos na naaktuhang gumagamit ng bawal na gamot.

Bukod sa iligal na droga ay nasamsam din sa lugar ang mga drug paraphernalia.

 

WATCH:

Read more...