Proyekto ng mga alkalde, hindi dapat pakialaman ng COA-Duterte

By Kabie Aenlle March 15, 2017 - 04:30 AM

 

COASinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat pakialaman ng Commission on Audit (COA) ang mga programa ng mga alkalde na naglalayong tulungan ang kanilang mga nasasakupan.

Nabanggit ito ng pangulo nang maalala niya ang isang pagkakataon kung saan kinwesyon ng COA ang kaniyang programang pagkakaroon ng mass wedding para sa mahihirap na mag-asawa, noong siya pa ay alkalde.

Ayon sa pangulo, na-disallow ng COA ang pag-pondo sa naturang programa, na kaniya namang kinwestyon dahil ginawa niya ito para tulungan ang mga mahihirap.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na dapat bigyan ng COA ng kalayaan ang mga alkalde sa pagdedesisyon tungkol sa mga programang kailangan nilang ipatupad sa kanilang mga nasasakupan.

Hindi dapat aniya ang komisyon ang dapat mamili sa kung anong programa ang kanilang ipatutupad, dahil ang mga alkalde ang nakakaalam sa kung ano ang kailangan sa kanilang lugar.

Kung sa tingin aniya ng mga opisyal ng COA na mas alam nila kung ano ang dapat gawin, iminungkahi niya sa mga ito na tumakbo na lang bilang mayor.

Hindi rin dapat aniya bigyang malisya ang mga proyekto ng mga alkalde, at iginiit na ang trabaho lang ng COA ay tiyaking nakarating sa mga tao ang perang dapat nilang matanggap.

Samantala, muli namang iginiit ni Duterte na dapat itigil na ang nakasanayang pagpili sa lowest bidder para sa mga proyekto ng gobyerno dahil nagiging ugat lang ito ng katiwalian.

Aniya, quality dapat ang inuuna ng gobyerno para sa mga proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.