Sec. Lorenzana, blangko sa umano’y kasunduan ni Pres. Duterte at China sa Benham Rise survey

By Jay Dones March 15, 2017 - 04:30 AM

 

Delfin Lorenzana March 9Ikinagulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang mapag-alamang may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalayag at pag-survey ng barko ng China sa Benham Rise.

Matatandaang sa press conference ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin nito na nauna nang nagpasabi sa kanya ang China sa kanilang ginawang survey sa naturang lugar.

Nang hingan ng tugon si Lorenzana ng mga miyembro ng media kaugnay sa pahayag ng pangulo, tumanggi itong magbigay ng pahayag dahil hindi niya batid ang naging usapan ng pangulo at panig ng China hinggil sa isyu.

Si Secretary Lorenzana ang unang nag-anunsyo noong nakaraang linggo sa publiko na nagsagawa ng ilang buwang survey ang barko ng China sa Benham Rise.

Kinontra rin nito ang aniya’y ‘innocent passage’ na depensa ng China sa kanilang pagtungo sa Benham Rise.

Batay aniya sa kanilang natanggap na mga ulat, nagpa-ikot ikot, huminto at nagtigil pa ng ilang buwan sa Benham Rise ang barko ng China na taliwas sa sinasabi nitong napadaan lamang sila sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.