Abandonadong bahay na ginagawang shabu lab, nadiskubre sa Cainta, Rizal

 

Sinalakay ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cainta police ang isang bahay na ginagamit umano bilang shabu laboratory sa Vista Verde, Cainta Rizal.

Partikular na tinarget ng grupo ang dalawang palapag na bahay na matatagpuan sa Amadeo St., Vista Verde Subdivision, sa Bgy. San Isidro, Cainta.

Sinasabing abandonado ang naturang bahay nang datnan ng mga otoridad.

Sa loob nakakumpiska ng mga kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng shabu at mga equipment ang mga otoridad.

Read more...