Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na pag-aari ng mga Filipino ang Benham Rise.
Bwelta ito ng palasyo sa pahayag ng China na walang karapatan ang Pilipinas na solong angkinin ang Benham Rise.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mandato ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang soberenya at territorial rights ng Pilipinas.
Ayon kay Abella, natalakay ang Benham Rise kasama ang West Philippine Sea sa meeting ng National Security Council sa palasyo.
Sinabi pa ni Abella na sinang-ayunan ng pangulo na kailangan na palakasin pa ang kapabilidad ng Pilipinas na igiit ang karaptan sa mga airspace at territorial waters.
Gayunman, aminado si Abella na maari namang mag-exercise ang China at ibang bansa ng ‘innocent passage’ at territorial navigation sa Benham Rise subalit ang Pilipinas pa rin ang may responsabilidad na mag-oversee at mag-regulate sa mga dumadaang barko sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.