Sasampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice ang may-ari ng Mighty Corporation na si Alex Wongchuking.
Ito ay dahil sa paggamit ng kumpanya ng mga pekeng cigarette stamps.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, inatasan na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan at ihanda ang kaso laban sa Mighty Corporation.
Sa ngayon ayon kay Panelo nakikipag ugnayan na siya sa Department of Justice para kasong tax evasion o economic sabotage ang maaring isampa kay Wongchuking dahil sa kanilang pandaraya ng buwis na ikinalugi ng pamahalaan ng bilyong pisong halaga ng buwis.
Aminado si Panelo na maari namang maareglo ang aspetong sibil ng Mighty Corporation kung magbabayad sila ng kanilang mga atraso sa buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Idinagdag pa ni Panelo na nadiskubre na ng nakaraang administrasyon ang hindi pagbabayad ng buwis ng moghty corporation subalit binalewala lamang ito.