Biyahe ng MRT tumigil makaraang mahulog sa riles ang isang pasahero
Mahigit sa isang oras na nabalam ang biyahe ng MRT 3 kaninang tanghali makaraang mahulog sa riles ng tren ang isang pasaherong lalaki.
Sa inisyal na ulat ng pamunuan ng MRT, naganap ang insidente sa Guadalupe station kaninang 1:52 ng tanghali kaya naging limitado lamang ang biyahe ng mga tren sa rutang North Avenue – Shaw Boulevard station vice versa.
Hindi pa malinaw sa mga otoridad kung sadyang tumalon o nahulog sa riles ang hindi pa pinapangalang biktima na ngayon ay ginagamot sa Ospital ng Makati.
Napag-alaman na mga galos at sugat lamang sa katawan ang tinamo ng nasabing biktima.
Sa kanilang Twitter account sinabi pamunuan ng MRT na naibalik rin ang kanilang normal na operasyon kaninang alas-tres ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.