Droga, NPA at WPS laman ng pulong sa National Security Council
Sumentro sa tatlong mahalagang agenda ang pagpupulong ng executive committee ng National Security Council (NSC) meeting kagabi sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pangunahing napag-usapan ang isyu sa peace talks na isinusulong ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), West Philippine Sea at ang giyera ng pamahalaan kontra sa illegal na droga.
Ipinaliwanag ni Abella na nais ng pangulo na magkaroon ng malinaw na batayan sa muling pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng kumunista dahil patuloy ang ginagawang pag-atake ng NPA sa tropa ng pamahalaan kahit nagkaroon na ng infomal agreement na muling bubuksan ang peace process sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Inihayag ni Abella bukas ang Malacañang sa panukalang magkaroon ng third party monitoring team kung magpapatupad na ng ceasefire ang magkabilang panig.
Sa isyu naman ng West Philippine Sea naninindigan ang Pangulo na ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa Benham rise na inaangkin din ng China.
Tungkol naman sa giyera ng pamahalaan sa iligal na droga sinabi ng Palasyo na hinding-hindi ito aatrasan ng Pangulo kaya pinatutulong na ang AFP at PNP sa PDEA O Philippine Drug Enforcement Agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.