2 pulis,1 marine, patay sa barilan sa Labuan market, Zamboanga City

August 19, 2015 - 12:14 AM

zamboanga cityNagkabarilan ang ilang miyembro ng Philippine National Police at ng Philippine Marine Corps bandang alas 7:30 kagabi, August 18 sa Zamboanga City.

Naganap ang barilan sa pagitan ng kampo ng Regional Public Safety Batallion 9 at Marine Battalion Landing Team 9 sa Labuan Public Market sa Zamboanga City na ikinamatay ng dalawang miyembro ng PNP at isa naman mula sa PMC.

Kinilala ang mga nasawing pulis na sina PO1 Muhsin Jainul at PO3 Alkashmir Lipae, samantala ang nasawi naman sa kampo ng PMC ay si Corporal Jason Marqueses.

Tumungo na sa lugar na pinangyarihan ang kani-kanilang mga pinuno para pahupain ang tensyon.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Ronald Maravilla, inaalam pa rin ang dahilan sa likod ng nangyaring insidente.

Ngunit ani Maravilla, ilang testigo ang nagsabi na naglalaro lamang ng bilyar ang mga miyembro ng mga nasabing units bago naganap ang insidente.

Magsasagawa na rin ng joint investigtion ang PNP at Marines sa nangyaring insidente./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: philippine marine corps, Philippine National Police, PNP and Marines shootout, Zamboanga City, philippine marine corps, Philippine National Police, PNP and Marines shootout, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.