Ayon kay Atty. Alvin Ebreo, pinuno ng legal division ng BOC epektibo ngayong araw ay hindi na maaring magpasok ng kanilang mga raw materials ang kumpanya.
Ito ayon kay Ebreo ay matapos nilang kakitaan ng probable cause ang Mighty Corp sa paglabag tariffs and customs law.
Kabilang anya dito ang warrant seizure and detention na inilabas ng customs sa Zamboanga.
Gayundin ang reklamo ng isang Atty. Sabio na ang pinagbatayan ay ang naging findings ng Senado.
Dahil sa suspensyon hindi na maari pang magpasok ng kargamento ang nasabing kumpanya ng sigarilyo kahit na ito ay nasa byahe na patungo sa bansa.
Gayunman, maaari pa rin namang maghain ng motion for reconsideration ang kumpanya.