BOC, sinuspinde ang import permit accreditation ng Mighty Corp.

By Erwin Aguilon March 14, 2017 - 01:58 PM

Mighty1Sinuspinde na ng Bureau of Customs ang accreditation ng Mighty Corp. para makapag-import.

Ayon kay Atty. Alvin Ebreo, pinuno ng legal division ng BOC epektibo ngayong araw ay hindi na maaring magpasok ng kanilang mga raw materials ang kumpanya.

Ito ayon kay Ebreo ay matapos nilang kakitaan ng probable cause ang Mighty Corp sa paglabag tariffs and customs law.

Kabilang anya dito ang warrant seizure and detention na inilabas ng customs sa Zamboanga.

Gayundin ang reklamo ng isang Atty. Sabio na ang pinagbatayan ay ang naging findings ng Senado.

Dahil sa suspensyon hindi na maari pang magpasok ng kargamento ang nasabing kumpanya ng sigarilyo kahit na ito ay nasa byahe na patungo sa bansa.

Gayunman, maaari pa rin namang maghain ng motion for reconsideration ang kumpanya.

TAGS: Atty. Alvin Ebreo, BOC, import permit, Mighty Corp, Atty. Alvin Ebreo, BOC, import permit, Mighty Corp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.