Pulitika, maaring dahilan ng pamamaslang sa isang mamamahayag sa Masbate
Naniniwala ang pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Joaquin Briones Jr. sa lalawigan ng Masbate na may kinalaman sa pulitika ang pagpatay dito.
Ayon sa nakatatandang kapatid ng Briones na si Rey Briones, Executive Director ng Filipino Mirror , na kung pagbabatayan ang datos nasa apat na tao na ang napapatay sa kanilang lugar sa Masbate bago at pagkatapos ng eleksyon at ang naganap kahapon sa kanyang kapatid ay maaring karugtong pa nito.
Sinabi ni Briones, na bukod sa lumaban ng pagkakonsehal ang si Tess Briones, asawa ni Jun ay naging aktibo ito sa kampanya pabor sa nanalong alkalde ng Milagros, Masbate.
Isinantabi naman nito ang posibilitad na may kaugnayan sa trabaho nito bilang kolumnista ng pahayagang Remate ang dahilan ng pamamaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.