DPWH, muling nagbabala laban sa solisitasyon

By Erwin Aguilon March 14, 2017 - 10:49 AM

mark VillarPinagiingat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang publiko kaugnay sa mga report na natatanggap ng ahensya na nanghihingi ng pabor ang ilan sa mga opisyal nito.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, mayroong mga indibidwal o grupo ang nagpapanggap bilang tauhan o isang mataas na opisyal ng DPWH, at manghihingi ng pabor o solisitasyon sa porma ng fund raising events o pagbibenta ng mga raffle tickets.

Ayon sa kalihim, walang mga ganitong proyekto ang kanilang departamento at mariin nitong kinukundena ang sino mang nasa katungkulan na aabuso sa kapangyarihan.

Kaugnay nito, nananawagan ang kalihim sa publiko, na sakaling makaranas ng mga kaparehong insidente ay agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan, nang agad na maaksyunan.

TAGS: DPWH, Fund Raising, Mark Villar, Raffles tickets, Solicitation, DPWH, Fund Raising, Mark Villar, Raffles tickets, Solicitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.