DND,planong maglagay ng istruktura sa Benham-Rise

By Ruel Perez March 14, 2017 - 10:06 AM

benham-risePlano ni DND Secretary Delfin Lorenzana na maglagay ng istruktura sa Benhan Rise na magsasabing itoy pag-aari ng Pilipinas.

Ito ang isa sa mga nakikitang hakbang ng Defense Secretary matapos na mamonitor ang pag-aligid umano doon ang survey ship ng China.

Paliwanag ni Lorenzana, inatasan na sila ni Pangulong Duterte na magdagdag ng mga magpapatrol sa nasabing karagatan para maipakita na sakop ito ng teritoryo ng Pilipinas.

Kasabay nito inamin ng kalihim ang pagdududa sa sinabi ng China na innocent passage lang ang pagdaan sa Benham rise ng kanilang survey ship.

Giit ng kalihim, masyadong mabagal ang galaw ng barko ng China para sa innocent passage maliban pa sa matagal din ito kung tumigil sa isang bahagi ng Benham Rise bago gumalaw.

Nakababahala na umano itong ginagawang ng China dahilan para pagusapan nang security cluster ng Pilipinas.

TAGS: Benham Rise, China, DND, duterte, lorenzana, PRRD, survey ship, Benham Rise, China, DND, duterte, lorenzana, PRRD, survey ship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.