Mag-asawa patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay, patay sa Bacoor City, Cavite.

By Cyrille Cupino March 14, 2017 - 08:02 AM SHARE(S):
magasawa patay BACOOR CAVITE
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang mag-asawa matapos pasukin sa loob ng kanilang tahanan sa isang subdivision sa Bacoor City, Cavite.

Dead on the spot ang mga biktimang kinilalang sina Benhur Alab, 33 anyos, isang negosyante, at Hanadie Tawanadato, 37-anyos, residente ng Manhattan Private Residences.

Batay sa imbestigasyon, nasa loob lang ng kanilang tahanan ang mag-asawa nang dumating ang dalawang naka-helmet at armadong salarin saka pinagbabaril sa ulo ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpatay.

TAGS: Bacoor Cavite, Mag-asawa, patay, pinagbabaril, pinasok ang bahay, suspek nakahelmet, Bacoor Cavite, Mag-asawa, patay, pinagbabaril, pinasok ang bahay, suspek nakahelmet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.