Operasyon ng Trinoma Mall, balik na ngayong araw matapos ang magdamag na sunog
Inaasahang back to normal na ang operasyon ng Trinoma Mall ngayong araw kasunod ng naganap na sunog Lunes, March 13 ng hapon hanggang gabi .
Batay sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), tatlong milyong pisong halaga ng kagamitan ang tinupok ng apoy na nagsimula sa isang warehouse.
Nilinaw ni QC Fire Marshall Supt. Manuel Manuel, na maliit na bodega lamang ng mga appliances ang tinupok ng apat na oras na sunog na naapula als 6:33 na ng gabi.
Bukod sa nakaligtas na empleyadong si Anthony Molina na ilang oras ding na-trap sa ikalawang palapag ng mall wala nang naitalang nasaktan o nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Iniimbestigahan pa ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog sa trinoma mall .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.