Ayon kay Duterte, kung sa tingin ng mga empleyado ay may maling ginagawa si Montano, ang kailangan lang nilang gawin ay magsampa ng kaso laban sa kaniya.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ng pangulo na may tiwala siya kay Montano kaya niya ito itinalaga sa kaniyang pwesto.
Hindi niya aniya naisip na pagkakakitaan ng aktor ang gobyerno dahil may pera naman ito, kaya sa tingin niya ay hindi ito gagawin ni Montano.
Matatandaang inireklamo siya ng mga empleyado ng TPB dahil sa umano’y pagpasok niya ng mga maanomalyang kontrata sa ahensya.
Samantala ayon kay Montano, hindi pa siya makakapagkomento tungkol sa nasabing reklamo, dahil wala pang sinuman sa kaniyang opisina ang umaamin na nasa likod ng paghahain nito.