Duterte sa mga empleyado ng TPB: Sige kasuhan niyo si Montano

By Kabie Aenlle March 14, 2017 - 04:57 AM

Cesar-MontanoHinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga empleyado ng Tourism Promotions Board (TPB) na kasuhan ang kanilang pinuno na si Cesar Montano, kung may problema sila sa pamamahala nito.

Ayon kay Duterte, kung sa tingin ng mga empleyado ay may maling ginagawa si Montano, ang kailangan lang nilang gawin ay magsampa ng kaso laban sa kaniya.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ng pangulo na may tiwala siya kay Montano kaya niya ito itinalaga sa kaniyang pwesto.

Hindi niya aniya naisip na pagkakakitaan ng aktor ang gobyerno dahil may pera naman ito, kaya sa tingin niya ay hindi ito gagawin ni Montano.

Matatandaang inireklamo siya ng mga empleyado ng TPB dahil sa umano’y pagpasok niya ng mga maanomalyang kontrata sa ahensya.

Samantala ayon kay Montano, hindi pa siya makakapagkomento tungkol sa nasabing reklamo, dahil wala pang sinuman sa kaniyang opisina ang umaamin na nasa likod ng paghahain nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.