Duterte, pupunta sa Myanmar at Thailand ngayong buwan

By Kabie Aenlle March 14, 2017 - 04:57 AM

duterte councilors pasayNakatakdang tumungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang Myanmar at Thailand ngayong buwan.

Layon ng kaniyang pagbisita sa mga nasabing bansa ay ang paghingi ng payo tungkol sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit dito sa bansa ngayong taon.

Pupunta sa Myanmar si Duterte sa March 19 hanggang 20, na susundan agad ng pagpunta niya sa Thailand sa March 21 hanggang 22.

Ayon sa pangulo, babalik siya sa Thailand dahil noong una siyang pumunta doon, hindi tumatanggap ang pamahalaan ng dignitaries dahil nagluluksa pa ang bansa sa pagpanaw ng kanilang hari.

Ani pa Duterte, tatanungin niya ang mga nasabing bansa kung anu-ano ba ang mga nais nilang matalakay sa gaganapin na ASEAN summit.

Inaasahan kasi ang paglalabas ng ASEAN members ng joint statement tungkol sa mga mahahalagang isyu sa rehiyon, kaya masasayang lang aniya kung sa mismong summit pa magdidiskusyon ang mga kinatawan ng mga bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.