Biyudo ni Sen. Miriam na si Jun Santiago, itinalagang adviser ni Duterte
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang asawa ni yumaong Miriam Defensor-Santiago na si Atty. Narciso “Jun” Santiago Jr. bilang isang Presidential Adviser.
Si Santiago na dati nang nanilbihang undersecretary sa Department of Interior and Local Government at dating opisyal ng customs, ay inappoint ni Duterte bilang Presidential Adviser for Revenue Enhancement.
Dahil dito, si Santiago ay magiging kinatawan ni Duterte, na maninilbihan din bilang Chairman ng Committee for Accreditation of Cargo Surveying Companies.
Ang nasabing komite ang nakatalaga sa pagbibigay ng accreditation sa mga cargo surveying companies at pati na rin ang pagsisiyasat sa mga performance ng mga ito.
Maliban kay Santiago, mayroong 33 na iba pang itinalaga si Duterte sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.