‘Total mining ban’ pinag-iisapan ni Pangulong Duterte

 

Joan Bondoc/Inquirer

Inilutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na kanyang ipairal ang isang ‘total ban’ sa pagmimina sa gitna ng mga napapaulat na destabilization plot laban sa kanyang administrasyon na umano’y pinopondohan ng mga mining companies.

Gayunman, hindi naman binanggit ni Pangulong Duterte kung aling partikular na grupo o pagkakataon kung paano isasagawa umano ang planong pagpapatalsik sa kanyang gobyerno.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Pangulong Duterte na labis na nasira na ng pagmimina ang kalikasan at mga kabundukan dahil sa epekto ng labis na pagmimina ng mga malalaking kumpanya.

Dahil aniya dito, kanyang sinisilip ang posibilidad na ipasulong na kay Environment Sec. Gina Lopez ang total mining ban.

Maliit rin aniya ang 70-bilyong pisong buwis na nakukuha ng gobyerno mula sa mining industry kumpara sa pinsalang dulot nito sa kalikasan.

Sa pulong balitaan rin binanggit ni Duterte ang umano’y alingasngas ng pagpondo ng ilang mining companies upang gibain ang kanyang liderato upang siya’y mapalitan ng lider na magiging sunud-sunuran lamang sa mga mining firms.

Gayunman, agad itong itinanggi ng Chamber of Mines of the Philippines o COMP.

Read more...