Higit 100 rebelde na-neutralize ng militar mula nang bawiin ni unilateral ceasefire

 

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Umaabot na sa 110 na mga rebeldeng NPA ang napapatay at naaresto at sumuko sa militar simula nang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire laban sa mga rebelde noong Pebrero.

Ayon kay AFP Chief of Staff Brig. Gen. Eduardo Año, sa naturang datos, 22 ang napatay, 15 ang naaresto habang 73 ang napasuko.

Samantala, nakarecover na rin ang militar ng 70 mga armas mula sa mga rebelde.

Aminado si Año, sinadya nilang i-pressure ang mga komunista sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na mga pag-atake para bumalik sa usaping pangkapayapaan.

Sa ngayon wala pa ring deklarasyon si Pangulong Duterte hinggil sa ceasefire matapos naman na bumalik sa negotiating table ang magkabilang panig.

Samantala, hindi pa rin umano titigil ang AFP sa opensiba laban sa NPA hanggang hindi nagdedeklara ng tigil-putukan si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Read more...