Pera mula sa mga kidnappers ibinalik ng PNP sa pamilya ng biktima

By Ruel Perez March 13, 2017 - 04:27 PM

KFR2
Ruel Perez

Kaagad na ibinalik ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng kidnap victim na si Francis Maulion ang halaga ng ransom na nabawi ng Anti Kidnapping Group (AKG).

Nagkakahalaga ng P1.2 Million ang naibalik sa pamilya ni Francis  Maulion na tinanggap ng kaniyang mga magulang mula kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa

Nabigatan pa si Dela Rosa sa pagbitbit sa ransom money dahil may kasama itong mga barya na nakalagay sa itim na plastic shopping bag

Ang nabanggit na halaga ay pangalawa na sa ransom na binayaran ng pamilya

Nauna nang nagbayad ang pamilya ng P1.4 Million noong buwan ng Enero pero hindi pa rin pinalaya ang biktima.

Si Maulion ay dinukot sa kanyang farm noong Nobyembre 23, 2016 kung saan ay inilipat siya sa iba’t ibang mga lugar para hindi mailigtas ng mga otoridad.

Bukod sa ransom money ay nabawi rin ng PNP sa mga suspek ang ilang matataas na kalibre ng baril.

TAGS: dela rosa, KFR, PNP, dela rosa, KFR, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.