Tabloid columnist pinatay ng riding-in-tandem sa Masbate
Mariing binatikos ng National Press Club (NPC) ang pagpatay sa isang mamamayahag sa lalawigan ng Masbate.
Binaril ng riding-in-tandem kaninang 8:45 ng umaga sa bayan ng Milagros, Masbate ang biktimang si Joaquin “Jun’ Briones na kolumnista ng tabloid na Remate at dating publisher ng Masbate Tribune.
Si Briones ay binaril ng mga hindi kilalang suspek malapit sa Bombon Bridge sa Brgy. Bacolod sa nasabing bayan ayon sa paunang impormasyon na nakuha ng NPC kay C/Insp. Malu Calubaquib na siyang Chief of Police sa nasabing bayan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni NPC President Paul Gutierrez na nakikipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa kaukulang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Nauna nang sinabi ni PTFoMS Undersecratry Joel Sy Egco na dati nang nakipag-ugnayan sa kanya si Briones sa kagustuhang maging bahagi ng nasabing tanggapan para sa proteksyon ng mga mamamahayag sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.