Transport groups, bus companies na ‘di lumahok sa dalawang tigil-pasada, pinarangalan ng DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2017 - 11:13 AM

DOTr Photo
DOTr Photo

Binigyang parangal ng Department of Transportation (DOTr) ang mga transport group at mga kumpanya ng bus na hindi lumahok sa dalawang magkasunod na tigil-pasada na isinagawa noong nakaraang buwan.

Idinaos ang pagbibigay parangal sa Camp Aguinaldo Grandstand and Parade Grounds, kung saan, mahigit 30 bus operators at pitong transport groups ang pinasalamatan ni DOTr Sec. Arthur Tugade.

Maliban kasi sa hindi nila pakikilahok sa tigil-pasada noong February 6 at 27, ay nagbigay din sila ng tulong sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang bus units para sa libreng sakay.

Kabilang sa pinarangalan ang mga grupong ACTO, ALTODAP, FEJODAP, LTOP, PASANG MASDA, CODE-X at 1-UTAK.

Habang mahigit 30 bus operators din ang kinilala dahil sa pagpapahiram nila ng kanilang bus units para magamit sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong naapektuhan ng transport strike.

Pinasalamatan din ni Tugade ang lahat ng ahensya ng gobyerno na nagtulong-tulong para maibsan ang epekto ng dalawang magkasunod na tigil-pasada sa publiko.

 

 

TAGS: 1-Utak, acto, altodap, Art Tugade, CODE-X, dotr, fejodap, ltop, PASANG MASDA, tigil pasada, tranport, 1-Utak, acto, altodap, Art Tugade, CODE-X, dotr, fejodap, ltop, PASANG MASDA, tigil pasada, tranport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.