Biktima ng KFR group, nailigtas; limang suspek, arestado

By Ruel Perez March 13, 2017 - 10:01 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Ihinarap sa media ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Ronald Dela Rosa ang isang negosyante na biktima ng pagdukot sa Camarines Sur noong November 2016.

Ang KFR group na bumiktima sa negosyanteng si Francis Maulion ay nago-operate umano sa Bicol Region at bahagi ng Southern Tagalog.

Ayon kay PNP-AKG Chief, Sr. Supt. Glenn Dumlao si Maulion ay dinukot noong Nov. 23, 2016 sa Ragay Camarines Sur.

Nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa mga otoridad bago sila magbayad ng ransom money kung saan umabot sa P1.4M ang naunang hiningi ng mga suspek at nasundan pa ng ikalawang pay-off na umabot sa P1.2M.

Nagkaroon pa umano nang palitan ng putok sa isinagawang pay-off ng ransom dahil armado ang grupo ng matataas na kalibre ng baril.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Naaresto sa isinagawang follow-up operations ang limang mga suspek na umano’y nagbantay sa biktima.

Nabawi din ang P1.2M at ibinalik ng PNP sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Maulion, nasa farm lang sila nang siya ay tutukan ng baril at sapilitan tinangay ng grupo.

Ang limang naaresto aniya ang tumulong sa pagbabantay sa kaniya at nagpalipat-lipat din sila ng lugar mula noong Nobyembre.

Nagsasagawa naman ng hot pursuit operations ang PNP para maarestoa ng lider ng grupo at iba pa nilang miyembro na nag-ooperate sa Bicol Region at mga probinsya ng Quezon, Batangas, at Laguna.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Francis Maulion, Kidnap For Ransom, Francis Maulion, Kidnap For Ransom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.