5 babaeng kasama ng mga suspek sa pambubugbog at pagpatay sa isang balikbayan, posibleng gawing testigo

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2017 - 09:34 AM

INQUIRER FILE PHOTO | JHESSET ENANO
INQUIRER FILE PHOTO | JHESSET ENANO

Pinag-aaralan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang testimonya ng limang babae na kasama ng mga suspek sa pagpatay sa balikbayan na si Abigail Gino Basas sa isang bar sa Quezon City.

Noong Biyernes, sama-samang nagtungo sa Camp Karingal ang limang babae makaaraang mag-viral sa Facebook ang kanilang larawan kasama ang mga lalaking suspek.

Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, nagsumite ng kani-kanilang salaysay ang lima at maari silang gawing testigo sa isasampang kasong murder.

Nagtatago pa rin sa ngayon ang mga suspek sa pambubugbog kay Basas na nagresulta sa pagkamatay nito.

Ani Eleazar, dahil sa kabiguan ng mga suspek na pawang mga graduating students at edad 20 anyos na kusang sumuko ay sasampahan na nila ng muder case ang mga ito ngayong hapon.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na may tsansa pa rin nila ang mga suspek na sumuko sa QCPD bago ang gagawing pagsasampa ng kaso ng mga otoridad.

 

 

 

TAGS: Abigail Gino Basas, Guillermo Eleazar, QCPD, Radyo Inquirer, Abigail Gino Basas, Guillermo Eleazar, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.