Nasunog ang dalawang palapag na gusali ng Department of Environment and Natural Resources-Central Visayas (DENR 7) sa Greenplains Subdivision sa Barangay Banilad, Mandaue City.
Nagsimula ang sunog alas 3:00 ng madaling araw ng Lunes, March 13 at pasado alas kwatro ng madaling araw nang maapula ang apoy.
Maliban sa opisina ng DENR-7, tatlong pang 2-storey buildings, at dalawang nakaparadang kotse ang napinsala sa nasabing sunog.
Pawang gawa sa konkreto at kahoy ang mga establisyimetnto at ang naapektuhang tanggapan ay ang opisina ng Integrated Coastal Resources Management Project (ICRMP) at ang Bureau of Lands ng DENR-7.
Ayon kay SFO2 Cipriano Codilla Jr., sa ICRMP nagsumula ang apoy.
Tinatayang nasa P1.2 million ang halaga ng mga natupok na ari-arian.