Operasyon ng militar laban sa NPA, tuloy sa kabila ng resumption ng peace talks

By Ruel Perez March 13, 2017 - 08:26 AM

CPP-NPATuloy pa rin ang operasyon ng militar kontra sa New People’s Army (NPA) hangga’t walang idinedeklarang ceasefire ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kabila ng pagkakasundo ng pamahalaan at ng NDF panel na ituloy na ang peace negotiations.

Paliwanag ni Lorenzana wala pang usapan ang government panel at ang mga komunista tungkol sa anumang ceasefire kaya hanggga’t gumagawa ng terroristic acts ang mga rebelde, hindi titigilan ng militar ang pagtugis sa kanila.

Duda ni Lorenzana tila hindi kontrolado ng mga pinuno ng kilusang komunista ang mga tao nila sa ground, lalo na ang mga NPA sub-commander kaya umiiwas sila sa usapin ng bilateral ceasefire.

Paliwanag pa ni Lorenzana, tila dini-dribble lang ng mga NDF negotiators ang usapan sa ceasefire o pinatatagal ang usapan dahil natatakot sila na hindi nila kayang pasunurin ang kanilang mga tao sa baba.

Gayunman nilinaw ni Lorenzana na welcome sa militar ang panunumbalik ng peacetalks at umaasa silang magiging sinsero na ngayon ang CPP NPA.

 

 

 

 

 

TAGS: CPP NPA NDF, Defense Department, Delfin Lorenzana, peace talks, Radyo Inquirer, CPP NPA NDF, Defense Department, Delfin Lorenzana, peace talks, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.